Government at Work

Ipinaabot ni Mayor Jun Ynares ang kaniyang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na groundbreaking ceremony ng Southeast Metro Manila Expressway (SEMME) o C6 Expressway noong Enero 8, 2017 sa Bicutan, Taguig.

Si Mayor Jun Ynares habang tinatanggap ang MANILA BAYani Award mula kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Catalino Cuy noong Disyembre 8, 2017 sa The Heritage Hotel Manila.

Si Mayor Jun Ynares kasama si Punong Barangay Pablo Oldan sa ginanap na turn-over ceremony ng mahigit 20 patrol vehicles noong Nobyembre 24, 2017 sa Brgy. Mayamot.

Si Antipolo Mayor Jun Ynares (ikatlo mula kanan), kasama ang iba pang pinarangalan ng Tourism Excellence Award sa ginanap na CALABARZON Tourism Summit noong Nobyembre 27, 2017 sa Bellevue Manila, Muntinlupa City.

Si Antipolo Mayor Jun Ynares (gitna) kasama si Rizal Governor Nini Ynares (ikaanim mula kaliwa) matapos tanggapin ang parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa Manila Hotel noong Nobyembre 24, 2017.

Binisita si Mayor Jun Ynares ng 23 naggagandahang kandidata ng Mutya ng Antipolo 2017 noong Nobyembre 20, 2017 sa Antipolo City Hall.

Si Antipolo Mayor Jun Ynares kasama ang mga miyembro ng Ynares Unified Ladies Association (YULA) Women’s Initiative sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Oktubre 23, 2017 sa Sumulong Park.

Si Antipolo Mayor Jun Ynares sa ginanap na ika-45 na Anibersaryo ng Our Lady of Peace School (OLPS) noong Oktubre 20, 2017 sa Ynares Center.

Si Mayor Jun Ynares (pangatlo mula kaliwa) habang tinatanggap ang Token of Appreciation mula kay Anyang City Mayor Lee PhilWoon mula sa South Korea kasama ang 4 pang delegado sa isinagawang courtesy call sa Antipolo City Hall noong Oktubre 6, 2017.

MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, si Mayor Roderick Larita ng Munisipalidad ng Patnanungan, Quezon nang mapili nito na gawing LGU model ang lungsod ng Antipolo sa isinagawa nilang “Lakbay-Aral” noong Setyembre 27, 2017.