• Government at Work

    • LGU-Clarin ng Misamis Occidental, Binisita ang Suman Production sa Antipolo

      Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, sina Mayor David Navarro at ang mga kasamahan nito sa munisipalidad ng Clarin, Misamis Occidental sa naganap na lakbay-aral hinggil sa “Enhancement of Suman Production” noong Mayo 16, 2017. Ito ay may kaugnayan sa Bottom-Up Budgeting (BUB) Project ng nasabing munisipalidad sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).

    • Centenarians ng Antipolo, Nakatanggap ng Isangdaan Libong Insentibo

      TUMANGGAP ng cash incentive ang mga Antipolenyong centenarians na nagkakahalaga ng P100,000 mula sa pamahalaang lokal, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (CSWD) sa ginawang pagkilala noong Mayo 8, 2017 sa Antipolo City Hall.

    • Ika-16 Commencement Exercises ng University of Rizal System,Pinagdiwang

      Si Mayor Jun Ynares habang nagbabahagi ng makabuluhang mensahe para sa 1,268 na nagsipagtapos sa kolehiyo mula sa University of Rizal System ng Antipolo, Angono, at Cainta sa isinagawang ika-16 na commencement exercises noong Abril 25, 2017 sa Ynares Center. Pinatunayan muli ng mga kabataang Rizalenyo na ang pag-aaral ay ang pinakamahalagang pamana ng kanilang magulang at sila pa rin ang mga pag-asa ng bayan.

    • Seal of Good Local Governance Award from DILG

      Sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Rizal Provincial Government nitong Lunes ng umaga sa Ynares Center Complex, tinanggap ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

    • Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, Nakiisa sa Selebrasyon ng World AIDS Day

      SAMA-SAMANG nilabanan ng mga Antipolenyo ang sakit na AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) matapos ipagdiwang ang World AIDS Day mula sa pangangasiwa ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares,  noong Disyembre 2, 2016 sa Our Lady of Fatima University (OLFU) – Antipolo Campus.

    • Antipolo City: Tayo Na Kontra Droga! Inilunsad

      MAS pinalakas ang pinagsanib na pwersa ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, kasama ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan at mga sektor ng lipunan sa paglulunsad ng programang “Tayo Na Kontra Droga,” isang programang magwawakas sa paggamit at pagtutulak ng droga, mula sa matibay na direktiba at pagtugon ni Mayor Jun Ynares sa plataporma ni President Rodrigo Duterte.

    • Mayor Ynares, Nagpatupad ng Random Drug Test sa BJMP ng Antipolo

      HINDI natitinag si Mayor Jun Ynares sa pagpapairal ng malinis na pamahalaan at pamayanan mula sa patuloy nitong pagmamando sa pagsasagawa ng random drug test sa lungsod. Kamakailan nitong Setyembre, nagkaroon ng random drug test sa mga opisyales ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP)-Antipolo kung saan isa sa mga ito ang nagpositibo na gumagamit ng drograng methamphetamine o mas kilala bilang shabu.

    • Meralco, Antipolo City Mas Pinagtibay ang Ugnayan

      MAS pinagtibay ang ugnayan ng Meralco at ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa Antipolo City Hall noong Oktubre 18, 2016. Layon nitong ma-isapormal ang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig na nakatuon sa mga programa na nagbibigay ng kuryente sa mga komunidad, kahandaan sa mga kalamidad, energy and environmental conservation, stratehiya sa urban planning on energy requirements, at iba pang mga proyekto.

  • Latest News

    • HIV Awareness, Idinaan sa Sayaw sa Lungsod ng Antipolo

      HANDOG ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Health Office at Positively Empowered People of Antipolo (PEPA), ang “Red Move: Raising HIV Awareness Through Dance Stories” na ginanap noong Mayo 19, 2017 sa Zonta Ville Covered Court ng Barangay San Isidro.

    • Libreng Gamit sa Balik-Eskwela, Tuloy-tuloy sa Antipolo

      Mga bagong uniporme, bags, at school supplies ang ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa mga estudyante ng Pantay ES, Marcelino Santos NHS, Jesus Cabarrus ES, Teofila Rovero ES, San Luis ES, Sumilang ES, at Dalig NHS sa ginanap na Balik-Eskwela sa mga pampublikong paaralan noong ika-22 ng Mayo 2017.

    • Mga Gamit Pang-Eskwela, Para sa Bawat Mag-aaral sa Lungsod ng Antipolo

      PATULOY ang pamamahagi ng libreng bag, 2 set ng uniporme at walong notebook para sa bawat mag-aaral mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa isinasagawang Brigada Eskwela 2017.

    • Kahalagahan ng Nutrisyon sa mga Kalamidad at Sakuna, Itinuro sa Antipolo City

      Kakulangan sa pagkain ang madalas na problema tuwing may kalamidad kung kaya’t  nais palakasin ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang kakayahan at kaalaman dito ng mga health at nutrition workers ng lungsod sa isinagawang “Training on Nutrition in Emergencies for Local Government Units” noong Mayo 18-19, 2017 na ginanap sa Antipolo City Hall. Pinangasiwaan ng City Health Office ang nasabing training sa ilalim ng Nutrition Division.

    • Mga Empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, Kinilala para sa Kanilang Serbisyo

      Pinagkalooban ng sampung libong piso at certificate of loyalty ang tatlong empleyado para sa kanilang matapat na pagsisibil ng sampung taon sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Mayo 22, 2017 sa ginawang Flag Raising Ceremony sa Sumulong Park.

    • Technical Equipments, Ipinagkaloon sa Bureau of Jail Management and Penology sa Antipolo City

      Ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mga technical equipment sa mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) sa ginanap na “turn-over ceremony” noong Mayo 22, 2017 sa Sumulong Park.

    • Queen of Antipolo 2017, Kinoronahan

      NAGTAGISAN ng talento, ganda, at talino ang mga transgender na kasali sa ginanap na Queen of Antipolo 2017 ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares noong Sabado, Mayo 20, 2017 sa City Mall of Antipolo Parking Grounds. Tuwing Mayo idinadaos ang Queen of Antipolo bilang bahagi ng selebrasyon ng Antipolo Maytime Festival upang maipakita sa bawat isa na ang lungsod ay may mga transgender na isinasabuhay ang yumi at magandang kaugalian ng mga taga Antipolo.

    • Grand Sagala 2017, Ipinakita ang Kagandahang Likas ng mga Antipolenyo

      SINALIHAN ng mga naggagandahang mga kababaihan ang Grand Sagala 2017 ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Antipolo City Culture, Arts and Tourism Promotions Office (AnCCATPO) noong ika-21 ng Mayo 2017 sa lungsod ng Antipolo. Nilahukan ang sagala ng 52 mga kababaihan mula sa 16 na barangay.